Nagpatutsada si dating Pangulong Noynoy Aquino sa sarili nitong pananaw ukol sa umano’y kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas sa idinaos na National Executive Council Meeting ng Liberal Party nitong Martes.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Ex-PNOY na tila BALIGTAD na di – umano ang estado ng bansa ngayon kung ikukumpara lamang noong siya pa ang nagsilbing Pangulo.
Bumwelta din ito ukol sa pagpapatalsik sa puwesto ng dating Punong Mahistrado na si Maria Lourdes Sereno at ang naging pahayag ng beteranong Senador na si Juan Ponce Enrile tungkol sa Martial Law.
Aniya, “Pag tinatanong ako kung kamusta na ang Pilipinas ngayon, ano ba ang masasabi natin sa kasalukuyang gobyerno, (ano ang sagot ko?) Baliktad nung panahon ko. ‘Yon na lang.”
“Kung ayaw natin ang nangyayari sa kasalukuyan, di pwedeng boboto lang tayo. Di pwede yung basta nakaboto na ko, okay na ‘yun. Kailangan manindigan tayo. Siguraduhin natin na ‘yong good ang pumasok,” giit ng dating Pangulo.
Kasabay nito, nagpasaring din si Vice President Leni Robredo laban sa pagkakadawit di – umano ng Partidong Liberal sa ‘Red October’ ouster plot na ikinasa para kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Bagama’t nakakatawa umano pakinggan ang naturang paratang ay nakakabahala rin para sa kalagayan ng publiko.
“Nakakatawa, pero mapanganib na paratang,” ayon kay VP Leni Robredo.
Inamin din ng Pangalawang Pangulo na si Robredo na maraming balakid ang tinatahak ng kanilang partido (Liberal Party) lalo’t karamihan sa mga ito ay ibinabato di – umano ng gobyerno sa kanila, bagay na lalong nagpapahirap sa katungkulan nito bilang tagapangasiwa.
Kamakailan lang ay pormal na ring ipinakilala ng Liberal Party (LP) ang opisyal na line-up ng mga kakandidato sa Senado sa darating na 2019 Midterm Elections. Kabilang na rito si re – electionist Senator Bam Aquino, Atty. Jose Manuel Diokno, at dating Congressman Erin Tañada.
Asahang magpapatuloy pa ang pag – anunsiyo ng mga kakandidato sa bandila ng Partidong Liberal sa mga darating na araw.
Source: bomboradyo.com
SHARE YOUR OPINION ABOUT THIS ISSUE?
PLEASE SHARE OUR WEBSITE TO OTHERS AND LIKE OUR FB PAGE FOR MORE NEWS UPDATES
Duterte Media Supporters
No comments:
Post a Comment