Kinontra ng Kabataan party-list ang ipinatupad na ‘enhanced community quarantine’ ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa official Facebook page ng Kabataan party-list, sinabi nilang dapat umanong itigil ng gobyerno ang ipinatupad na community quarantine dahil pahirap lamang ito sa mga Pilipino. Ayon sa kanila, dapat umanong magsagawa ang gobyerno ng ‘mass testing’ at magbigay ng pinansyal na tulong, libreng gamot at pagkain.
“Itigil ang pangmalawakang lockdown! Sa halip, magsagawa ng mass testing at mamahagi ng financial aid, ng libreng gamot, at ng libreng pagkain!”
“Ibigay ang lahat ng pangangailang medikal tulad ng face masks, gwantes, alkohol, at iba pang personal protective equipment ng mga health workers!” dagdag nila.
Sa ngayon ay burado na ang Facebook post ng Kabataan Party-list. Dagdag naman ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, dapat umanong pigilan ng gobyerno ang mga paaralang magtataas ng tuition fees at iba pang bayarin pagkatapos ng community quarantine.
{SOURCE}: NEWSKEENER.COM
© Pilipinas News Phil
No comments:
Post a Comment